Our Impact
Jonalyn Abuque
A beneficiary resident of Katutubo Village
Bilang magulang, sobrang saya ko po na nabigyan kami ng ganitong kalaking tulong. Hindi na po mararanasan ng mga anak ko pumunta pa sa ilog para maligo, iigib lang po ako dito at siguradong malinis ang tubig. One million times po na pasasalamat na isa po ang aming komunidad na nabigyan ng tulong para mapaayos po ang buhay naming mga katutubong kapatiran. Sobrang buong puso po talaga ako nagpapasalamat.
Princess Doroteo
A member of the Indigenous Peoples (IP) Dumagat Remontado of Antipolo and a TESDA NC II passer
Kahit simpleng tinapay lang pala, nakakalito din ‘yung paghahalo ng ingredients, at natutunan ko kung paano gumawa. Dahil sa training, makakatulong po ako sa mga kapwa ko Dumagat Remontado na mai-share ko ‘yung mga natutunan ko sa kanila. Malaki ang naging tulong nito, lalo na ‘yung mga naging kaklase ko doon na tumigil na sa pag-aaral. Dahil sa training na ‘yon, nagkaroon sila ng national certificate na makakatulong sa kanila para makapaghanap ng trabaho at mas marami pa silang matutulungan kung maipagpapatuloy pa ‘yung program na ‘yun.
Zenaida De Villa
A graduate of the Sewers Training program
Natuto po ako ng iba’t ibang kaalaman na magagamit ko sa paghahanapbuhay.
Sharleen Duque
Katutubo Village Elementary School Head
Nakatulong po nang malaki ang Prime Waste Solutions Pampanga at Prime Infra Foundation upang lalo po naming maitaguyod ang kalidad na serbisyo sa aming mag-aaral. Binigyan po nila ng sapat na kagamitan ang ating mag-aaral upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral. Hindi lamang school supplies ang kanilang binigay, ngunit nagbigay din sila ng pag-asa na hindi sila nakakalimutan at hindi sila pinapabayaan ng ating komunidad.
Versilisa Abad
Participant and beneficiary of the program
Napakalaking tulong po sa’kin na naturuan po ako sa paggawa ng doormat at potholder, ‘yun po talaga ‘yung hindi ko pa alam gawin. Pwede ko po itong gamitin sa aking negosyo, pwede ko pong ibenta, pwede ko siyang pagkakitaan habang nagpapahinga sa bahay.
Mary Grace Llagas
Participant of the Bokashi Pinoy Composting training from Brgy. Rizal, Pakil
Natutunan ko po kung paano mag-segregate ng basura katulad ng nabubulok at di-nabubulok. Pwede pong magkaisa at magtulungan kung paano natin pwedeng ayusin. Mapapakinabangan po natin iyon balang-araw. Pwede po nating ibenta, makakatulong po tayo sa ibang tao na nangangailangan ng fertilizer.
News
-
October 9, 2025
-
September 16, 2025
-
August 28, 2025
-
August 22, 2025
-
August 14, 2025
-
August 7, 2025






